Inirerekomenda ng Pampublikong Kalusugan-Seattle at King County (Public Health-Seattle & King County) na ang mga tao at mga alagang hayop ay manatili sa labas ng tubig sa mga lawa ng King County kung saan may nakikitang mga lumot (algae). Sundin ang mga naka paskil na gabay sa mga parke at baybayin.
Tandaan-kapag may pag-aalinlangan, manatili sal abas ng tubig.
Kung ang lumot (algae) ay nakikita, huwag hayaan inumin ng mga alagang hayop ang tubig o makuha ito sa kanilang balahibo. Posible na may lason kahit hindi na hindi mo nakikita ang lumot (algae) sa tubig. Kung ang iyong alagang hayop ay pumunta o malapit sa tubig sa mga lawa ng King County, inirerekomenda namin na subaybayan ang mga sintomas na ito: mababang enerhiya, hindi pagkain, pagsusuka, pagtatae, hirap sa paghinga, Mga kumbulsyon (seizures). Ang mga sintomas ay karaniwang nangyayari sa loob ng ilang minuto hanggang oras pagkatapos ng pagkakalantad. Kung ang iyong alagang hayop ay nagkasakit, tumawag kaagad sa iyong beterinaryo.
Kung plano mong lumangoy o makilahok sa isang “Polar Bear Plunge” sa Araw ng Bagong Taon, kumonsulta sa mga tagapag-ayos ng kaganapan o mga departamento ng mga parke sa lungsod para sa pinakabagong impormasyon.