Nakikiisa tayo sa ating iba’t ibang mga Amerikanong Asyano at mga kapit-bahay ng Isla ng Pasipiko sa King County sa gitna ng tumataas na mga krimen ng poot laban sa mga Asyano. Mula nang magsimula ang pandemyang COVID-19, ang rasismo at sinpobya laban sa mga Asyano ay yumanig at nagpa-trauma sa ating mga pamayanan. Tuligsain natin ang , pangkukulay, at anumang mga pagkilos na ginawa upang saktan ang isang tao dahil sa kanilang lahi o lugar na pinanggalingan
Bilang tugon sa poot na ito, nakikita natin ang sining bilang isang mahalagang paraan sa pagpapagaling ng pamayanan. Ngayon, nagbabahagi kami ng mga piraso ng sining mula sa ilang kahanga-hangang mga lokal na artista — Che Sehyun, Yvonne Chan, Toka Valu, at Tori Shao – na nagbahagi ng kanilang sining sa atin upang ipagdiwang ang kapangyarihan ng pangangalaga sa pamayanan, ang potensyal na nakapagpapagaling ng ating mga tradisyon, at ang pangitain ng sama-samang paglaya

“[Ang imaheng ito] ay nagbibigay paggalang sa mahabang buhay ng ating mga tradisyon at kaugalian na naipamana na ng ilang salinlahi ng sistematikong pagsalakay sa mga pagsisikap na burahin ang ating sama-samang pagpapahalaga ng sarili. Ito rin ang katatagan at lahat ng ito ay nagbabalik sa kahalagahan ng pagpapalakas ng mga tinig at pamumuno ng ating mga pamayanang Pasifika na patuloy na nangangasiwa ng kanilang sariling pagpapasiya.” -Toka Valu

IGALANG ANG AKING BUHAY
AKO AY MAGANDA
CHESEHYUN
@HAFAROLDY CHAMORU
MANGGAGAWA SA KULTURA
“Naninindigan ako para sa ating kinabukasan sa kultura at ating sama-samang kalayaan na ating mga katutubong kultura, ating buhay at ating likas na kagandahan.” -CheSehyun

“Ang opera ng Tsino ay isang uri ng musikal na teatro, ang mga gayak na kasuotan at mga napinturahang mukha ay nabuo sa paglipas ng mga siglo at napuno ng sagisag, sila ang pinagmulan ng kapurihan sa kultura at pagkakakilanlan. Ang mga kilalang karakter mula sa mga paboritong kwento ay nagpupursige sa pamamagitan ng mga pagsubok sa kasalukuyang-araw ng COVID-19 at rasismo, na may mga modernong maskara sa pag-oopera at mga tradisyonal na simbolo ng katatagan.” -Tori Shao
